Yung title lang muna ang Ingles para sa pahayag na ito. MagTaTagalog muna ako ngayon, para sosyal. Kahit nung isang buwan pa ang Linggo ng Wika, may naisip ako na ngayon ko lang natanto (eto ang totoong nosebleed!)
Magkwekwento ako ng isang istorya na nangyari sa klase namin sa SOSC1 nung isang linggo. Kami ay may diskusyon tungkol sa moral na dilihensya (moral dilemma yun, di'ba?). Biglang nagtaas ng kamay ang isa naming kaklase na medyo tambay ang dating. Nagulat kami nung nagdisscuss (Sorry, I really can't keep myself from English. Pardon me for using Taglish) siya sa Ingles! Lahat kami, nagsasabing "Ouch, nosebleed! Grabe, biglang banat si Sega, sosyalero pala 'to eh!" Pero bigla akong napaisip.
Tinanong ko si Sir Mos, ang aming propesor sa takdang iyon, kung bakit ganoon ang mga Pilipino. Bakit kapag nagsasalita ng Ingles ang mga tao, iisipin nating sosyal sila o laking aircon people? Pero 'pag nagtatagalog, parang wala lang?
Nawalan na ba tayo ng puso sa sarili nating wika? Nagpasukob na ba talaga tayo sa kolonyalismo?
Sinabi ni Sir Mos, na kaya ganoon ang Pilipino dahil tayo nga ay sinakop dati ng mga Amerikano, at hanggang sa ngayon, tingin natin ang estado nila ay mas mataas kaysa sa atin (kahit ngayong may recession sa US at humihina ang ekonomiya nito). Kaya kung nagagaya natin ang kanilang mga ginagawa, baka kung sakaling matulad tayo sa kanila. Pero hindi ako at si Sir Mos sang-ayon doon. Sabi ni Sir Mos, dapat makamit natin ang panahon kung saan magiging proud tayo sa sarili nating wika at bansa. Dapt magkaroon ng panahon kung saan kapag ika'y nagtagalog, ika'y sosyal.
Ang sabi ng manunulat na si Bob Ong, sa kanyang librong "Stainless Longganissa" na kakatapos ko lang basahin, tayong mga Pilipino ay may barok English. Mali-mali ang pagkabigkas at parang bulol. Pero ang mga Amerikano daw, may Thig-alog. Kung magsalita, parang ganito: "Eyno bah eytoung geynagahwa ney Rowan? Eyng weird..." Kitams? Pinagtatawanan din pala natin sila dahil ganoon ang pagsalita nila.
Dapat makamit natin ang panahong iyon, na ang mga Amerikano naman ang ma-nosebleed sa pagbigkas ng wikang Pilipino. Mabuhay ang Pilipinas!!
Makata XD
Gusto ko ring itaguyod ang ating sariling wika, ngunit... Mahirap talagang magsalita na ito lang ang gamit sapagkat lumaki tayong dalawang lenguwahe ang itinuro sa atin.
Malungkot.
-Eira
(I don't have a gmail acct :P)